Ako si Belette…

…at ako ang reyna ng sablay.

Doon sa Tambo August 24, 2009

Filed under: Uncategorized — NotAnotherBlogger @ 9:39 am

Naniniwala ka ba sa shooting stars?

*Long pause*

“Hindi,” sabi ng katabi ko sa kanan.
At ang sabi ko naman, “Science major ako eh.”

Tumingin ulit ako sa langit. Nagbabakasakaling makakita ulit ng isa pang shooting star. Anim na kasi ang nakita ng katabi ko sa kaliwa, ako isa palang. Hindi naman ako nagwiwish. Gusto ko lang yung feeling na nakakakita ng shooting star. Nakikiuso kumbaga.

Dumapa ako’t, tumingin sa kaliwa at pumikit. Matinding pagod ang nararamdaman ko dahil umakyat kami ng bundok ng mga kaibigan ko. Bukod pa dun, naiwan ang isip ko sa Maynila. Nag-aalala ako sa pamilya ko, ang dahilan ng pag-sakripisyo’t pag-akyat ko ng bundok. Minulat ko ang aking mga mata. Ang katabi ko’y nakadapa rin pala’t nakapikit tulad ko. Nakaharap siya sa akin. Pumikit akong muli at huminga ng malalim. May naiwan din pala ako sa kaniya. Biglang naglaro sa isip ko ang kanta ng Spongecola na Gemini. Pero bago pa ako matuksong hawakan ang kaniyang mukha’t guluhin ang mapayapa niyang estado, humarap ako sa kabila. Nag-aabang pa rin ng shooting stars ang kaibigan ko. Nainggit ako’t tumingin na lang muli sa langit. Nagbabakasakaling matupad ang hiling na balang-araw ito ay mauulit.

 

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.